National Teachers' Month
by Benjo Basas
PILIPINO MIRROR COLUMN, September 5, 2012
Ngayong araw na ito, September 5, 2012 ay ang pasimula ng isang buwang pagdiriwang ng National Teachers’ Month. Ito’y ikalawang taon pa lamang ng pagdiriwang na ito simula nang lagdaan ng Pangulong Aquino ang Presidential Proclamation No. 242 noong nakalipas na taon. Ang pagdiriwang ay magtatapos sa araw ng Oktubre 5- ang siya namang araw na ipinagdiriwang sa mundo bilang World Teachers’ Day (WTD) alinsunod sa deklarasyon ng UNESCO noong 1994. Ang buong buwan ay inlaan ng ating pamahaalan partikular ng Department of Education (DepEd) sa pagbibigay-pugay sa ating mga guro. Maraming mga aktibidad ang nakatakdang gawin mula sa mga paaralan, hanggang dibisyon, lungsod at lalawigan, panrehiyon at maging pambansa- lahat sila ay gagawin upang ipaalala sa ating mga kabataan at sa lahat ng mamamayan ang kalahagahan ng ating guro. Noong mga nakalipas na taon ay masugid kaming mga guro- lalo na ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa pagtutulak na ideklara ang Octobner 5 bilang special holiday. Para sa amin, kung mayroong Mayo Uno na pandaigdigang araw ng manggagawa at isa sa mga opisyal na holiday sa bansa, dapat ay mayroon ding araw para sa pagkilala sa mga guro. May ilang panukala na rin ang naisumite hinggil dito ngunit hindi pa rin ito tuluyang naisasabatas. Sa ibang mga bansa sa Soutrh East Asia ay nagpasimula ang opisyal na pagdiriwang ng Teachers’ Day noon pang 1956 sa Malaysia, 1957 sa Thailand at 1958 sa Vietnam. At nito ngang nakalipas na taon, samanatrala isang araw lamang ang aming hinihingi ay isang buwan ang ibinigay sa amin ng pamahalaan. Signipikante ang WTD sa lahat ng guro sa buong mundo, sapagkat sa ganitong araw din noong 1966 nang lagdaan ng mga bansang kasapi ng UNESCO at ILO ang Recommendations Concerning the Status of Teachers na siyang naging batayan ng lahat ng bansa kung papaano tratuhin ang kanilang mga guro. Ang instrumentong ito rin ang naging batayan ng pagsasabatas noon ding 1966 ng RA 4670 o Magna Carta for Public School Teachers, na siyang itinuturing na Bibliya ng mga guro sa Pilinas. Nagpapasalamat kami sa ating pamahalaan sapagkat sa wakas ay pormal na niyang kinilala sa pamamagitan ng isang legal na dokumento ang pagdiriwang ng Araw ng mga Guro, noon kasi’y token celebrations lamang ang isinasagawa tuwing Oktubre 5. Subalit, higit sa pagkilala sa pamamagitan ng proklamasyon, mas dapat patunayan ng ating pamahalaan na pinahahalagahan niya ang ating mga guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na panganagilanagan sa sistema ng edukasyon upang maibsan na ang matagal nang suliranin sa mga kakulanagan sa guro, klasrum, upuan, aklat at iba pa. Dapat nang itaas ng Pamahalaang Aquino ang budget sa pampublikong edukasyon. Higit sa lahat, dapat nang bigyan niya ng prayoridad ang kanyang mga guro sa pamamagitan ng mas makatarungang pasahod, mas maraming mga benepisyo at maayos na kalagayan sa kanilang trabaho. Ito ang tunay na pagpapahalaga sa mga bayani, ayon nga sa tema ng National Teachers’ Month: MY TEACHER, MY HERO. #

Comments
Post a Comment