Krisis sa Edukasyon, Paglabag sa Karapatang Pantao
Krisis sa Edukasyon, Paglabag sa Karapatang Pantao: Buhay na Buhay ang Bangungot ng Martial Law
by Vencer Crisostomo
10 September 2012
Originally posted in Philippine Online Chronicles;
http://www.thepoc.net/commentaries/16935-krisis-sa-edukasyon-paglabag-sa-karapatang-pantao-buhay-na-buhay-ang-bangungot-ng-martial-law-part-1-of-2.html
http://thepoc.net/commentaries/16936-krisis-sa-edukasyon-paglabag-sa-karapatang-pantao-buhay-na-buhay-ang-bangungot-ng-martial-law-part-2-of-2.html

Ngayong buwan, gugunitain ang dalawang mahalagang pangyayari sa kasaysayan: sa Setyembre 11, ang ika-30 anibersaryo ng pagpapasa ng Education Act of 1982, at sa Setyembre 21, ang ika-40 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar.
Sa gitna ito ng walang kaparis na krisis sa edukasyon sa ilalim ni Aquino -- tampok ang tuloy-tuloy ang pagtaas ng matrikula, tumitinding komersyalisasyon at kolonyal na oryentasyon ng edukasyon --at papatinding paglabag sa karapatang pantao: pamamaslang, pagdukot, pandarahas, patuloy na kahirapan at pambubusabos sa maralita at mamamayan.

Tila buhay na buhay pa rin ang mga pamana ng Batas Militar matapos ang apat na dekada, at nagpapatuloy ang krisis sa edukasyon at pasismo sa ilalim ng gubyernong Aquino.
Todo-todong pagtataas ng matrikula at komersyalisasyon
Kabi-kabila ang pagtataas ng matrikula at mga bayarin sa mga pamantasan. Umaabot sa mahigit 267 ang mga pribadong kolehiyo ang nagtaas na naman ng matrikula ngayong taon. Sa pagtataya ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), nasa P150-P200 kada yunit o P3,150-P4,200 kada semestre ang itinaas sa matrikula sa ilalim ng administrasyong Aquino. Aabot na sa P40,000 ang kailangan kada semestre.
Samu't sari din ang mga kwestyunableng mga bayarin na sinisingil ng mga pamantasan gaya ng Development Fee, Medical / Dental fee, Energy fee, at marami pang iba. Sa kabila ng pagtutol ng mga mag-aaral at mga magulang, taon-taong inaapruba ng gubyernong Aquino ang mga bayarin.
Sa halip na serbisyo, malinaw na pinagkakakitaan ang edukasyon. Umaabot sa higit P3 billion ang kinita ng top 5 lamang na mga paaralan sa loob ng nagdaang 6 taon.
Nagtaasan din ang mga bayarin at kabi-kabila ang mga hakbangin para magkomersyalisa sa mga pampublikong pamantasan gaya ng UP, PUP, at marami pang iba. Sa UP, dahil sa pagbabago ng bracket,nagtaas ang matrikula mula P1,000 tungong P1,500.
Higit na ipinagkakait ang karapatan sa edukasyon sa mayorya ng mga Pilipino na naghihirap. Lumolobo ang bilang ng mga nagdodrop-out at hindi na makakapasok man lamang sa eskwela. Ayon mismo sa datos ng Commission on Higher Education (CHED), walo sa sampu na high school graduates ang hindi makakatuntong ng kolehiyo. Samantalang sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies nuong 2009, sa 100 papasok ng Grade 1 ay 14 lamang ang makakapagtapos sa kolehiyo.
Edukasyong Noynoy: para sa iilan at dayuhan
Ang pangkalahatang programa at patakaran ni Aquino para sa edukasyon ay higit pang magpapasahol ng krisis sa edukasyon. Papatindihin nito ang komersyalisado, kolonyal at pasistang katangian ng edukasyon.
Malinaw sa nilalaman ng Philippine Development Plan, Roadmap to Public Higher Public Education Reform, K-12 at iba pa ang mga plano at patakaran ng administrasyon ang higit na pagtataas ng matrikula, pagkokomersyalisa at lalong pagkabulok ng sistema ng edukasyon.
Ang panukalang badyet para sa 2012 ay kulang na kulang, malala pa, itutulak nito ang iba't ibang hakbang ng pagkokomersyalisa at pag-aabandona ng estado sa edukasyon.
Sa Philippine Development Plan ni Aquino, idinidireksyon ang lalong pribitisasyon at komersyalisasyon ng edukasyon at pagpapaloob nito sa PPPs. Nais nitong palakihin ng husto ang "papel ng pribadong sektor, lalo na sa higher education."
Gayundin ang direksyon sa Roadmap to Higher Public Education Reform, kung saan idinidireksyon ang 1) pagbabawas ng mga SUCs at pagpaprayoritisa lamang ng iilang mga "centers of excellence" para sa cheap export labor, 2) pagbabawas ng badyet para sa SUCs, at 3) pagtataas ng mga singilin at higit na pagkokomersyalisa sa edukasyon.
Ang badyet ni Aquino para sa SUCs sa 2013 ay nananatiling kulang sa aktwal na pangangailangan ng mga pamantasan, mas masahol pa, nakakondisyon ang pagbibgay ng pondo ng gubyerno sa pagpapatupad ng mga hakbangin sa pagkokomersyalisa.
Sinisikap ng rehimen na gamitin ang "pagtataas" ng badyet para lansiin ang mga mag-aaral, guro at mga administrador at hatiin ang lumalawak na protesta para sa karapatan sa edukasyon. Ngunit sa likod nito ay lalong panganib ng pagkakait ng karapatan at kinabukasan.
Ang ibinabanderang K-12 program dim rehimen ay higit na magtutulak ng komersyalisasyon ng edukasyon at pag-abandona sa karapatan sa edukasyon. Patitindihin nito ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyong lilikha ng higit na mas murang lakas paggawa para sa mga dayuhang kapital.
Ipinagpapatuloy ni Aquino ang mga patakarang inihawan ng gubyerno ni Marcos sa Education Act of 1982. Pinatitindi at ninilehitimisa ng batas ang kolonyal, komersyalisado at pasistang katangian ng edukasyon. Matapos ang 30 taon, higit na tumindi ang krisis ng edukasyong Pilipino.

Pasismo at paglabag ng karapatang pantao
Buhay na buhay pa rin ang Batas Militar sa 100 na kaso ng pampulitikang pamamaslang, 170 na bilanggong pulitikal, 11 na dinukot, 62 na biktima ng tortyur, 29,465 na pwersahang paglikas sa ilalim ng gubyernong Aquino. Wala pa ring nananagot sa lagpas 1,000 mga biktima ng pamamaslang sa ilalim ng nagdaang administrasyong Arroyo.

Nagpapatuloy ang madugong kampanya ng panunupil at pandarahas sa ilalim ng bagong Oplan Bayanihan ng gubyernong Aquino. Habang nagdidiin sa psy-war at "pulitikal" na pagpapapogi, wala itong pinag-iba sa dahas ng Oplan Bantay Laya 1 at 2 ng rehimeng Arroyo.
Laganap din sa ilalim ng Oplan Bayanihan ang pag-usbong ng mga paramilitary na grupo. Kabilang dito ang RPA-ABB o Revolutionary Proletarian Army – Alex Boncayao Brigade na pinondohan ng gubyernong Aquino mismo sa halagang P31 milyong piso sa ilalim ng Social Integration Program, bahagi ng Oplan Bayanihan para gawing ligal ang pagbuo ng mga paramilitary na element sa ilalim ng AFP.
Nananatiling malaya ang mga may pakana ng paglabag ng karapatang pantao, sa pangunguna ni Jovito Palparan at Gloria Arroyo. Binigyan pa ng mga pabuya ang militar imbis na baguhin ang represibo at marahas na mga patakaran nito. Habang patuloy na maliit ang pondo ng edukasyon, todo-todo naman ang ibinibigay sa militar at kontra-insurhensiya.
Dumarami rin ang kaso ng pagsupil sa mga kabataan at mag-aaral: noong maagang bahagi ng taong ito, hinarang ng militar at hinarass ang ilang mga mag-aaral ng UP sa Pampanga. Nitong Pebrero, inatake at pinagsasaksak ang isang prominenteng lider-kabataan sa UP Diliman sa opisina ng student coucil. Nakumpirma ring nangingialam ang mga militar sa mga eleksyong pangkampus at nagrerekluta ng mga mag-aaral na intelligence agents.
Nakaamba din ang pagbabalik ng ROTC sa kampus na itinutulak ng militar at polisya, habang pinahihigpit ang mga hakbang pang-"seguridad" at "kontra-insurhensiya" sa hanay ng mga kabataan. Dumarami din ang mga kaso ng militarisasyon sa mga kampus.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin inililitaw ng militar sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan, dinukot noong 2006 ng mga tauhan ni Jovito Palparan. Marami ring kabataan ang kabilang sa mga detinidong pulitikal gaya nina Maricon Montajes, Romiel Canete at Ronila Baes.
Tuloy tuloy din ang pag-atake sa karapatan at kabuhayan ng mamamayan at maralita. Dinedemolish ang kabahayan, pinipilit ibaba ang halaga ng sahod, at pinagkakait ang lupa sa mga magsasaka. Kinikriminalisa ang paglaban ng mamamayan at sinisisi ang maralita sa kahirapan at trahedya. Kamakailan lamang ay sinabi ng gubyerno na "pasasabugin" nito ang bahay ng mga maralita.
Habang taksil sa interes ng bayan, sagad-sagaring "Amboy" si Aquino sa pagpapapasok niya ng napakaraming tropa at warships ng Kano sa ating bayan at pagbabalik ng base militar sa bansa. Kaakibat nito ang todong pagpapatupad ng kontra-insurhensiyang mga pakana at paglabag sa karapatang pantao, kasama ang pangingialam ng US sa giyerang kontra-insurhensiya.
Samantala, isinusulong naman ng mga kaalyado ni Aquino ang charter change para higit na ibukas ang bayan sa pagsasamantala ng dayuhan. Nagpapanggap si Aquino na hindi interesado dito pero gustong gusto ito ni Aquino. Sa ilalim ng cha-cha, papayagan ang 100 porsyentong pag-aari ng dayuhan sa mga empresa at lupa sa Pilipinas, pagpasok at pagbabase ng mga dayuhang tropa sa bansa, at pagtanggal ng mga probisyon hinggil sa karapatang pantao.
Kumilos para sa edukasyon, karapatan at tunay na pagbabago
Hindi na matitiis ng kabataan at mamamayan ang higit na pagkakait sa karapatan sa edukasyon, paglabag sa karapatang pantao at patuloy pang kahirapan at pambubusabos. Nananawagan ang mga grupo ng kabataan sa gubyernong Aquino na itigil ang mga patakaran ng komersyalisasyon at mga pagtataas ng matrikula, ibasura ang Oplan Bayanihan at itigil ang paglabag sa karapatan, at tumindig para sa tunay na pagbabago.
Muling nananawagan ang iba't ibang organisasyon sa kabataan at mamamayan na tumindig para sa karapatan, katarungan at kinabukasan. Nakaamba muli ang mga strike, walk-out, malalaking martsa sa mga ating mga pamantasan, pagawaan at komunidad.

Sa kabila ng panunupil at pandarahas ng Batas Militar ng 1972, nanaig ang kolektibong pagkilos ng buong sambayanan na nagpabagsak sa diktadurang Marcos. Ang aral nito: pandarahas at pagsasamantala ang iharap sa atin, mananaig ang mamamayan -- babagsak ang mapaniil at mapagsamantala at ititindig ang isang kinabukasang tunay na malaya, masagana at maunlad para sa kabataan at mamamayan.
Sa panahong nananatili ang pagkakait sa karapatan at pagkitil sa kinabukasan, tungkulin ng kabataan at bayan na tumindig at mula sa mga aral at abo ng nakaraan ay lumikha ng sarili nitong kasaysayan.
Stock photo from Blog Watch. Some rights reserved.
Comments
Post a Comment