Ilocano Youth, Study History (A Martial Law Commemoration Statement)
by
ANAKBAYAN - NUSP - CEGP - KABATAAN PARTYLIST ILOCOS REGION
40 taon na ang nakakalipas nang ideklara ni Marcos ang Martial Law.Isang malagim na kabanata sa ating kasaysayan kung saan ang kalayaanng mamamayan ay binusalan. Ngunit bago pa lamang nito ay samu’t saring anti-mamamayang polisiya na ang ipinatupad ni Marcos.
Setyembre 11, 1982, sa mismong kaarawan ni Marcos ay ipinasa ang Education Act of 1982. Sa pamamagitan ng batas na ito ay lalo pang lumalaang komersalisasyon ng edukasyon. Tinanggal ang kapangyarihan ng estado na iregularisa ang pagtaas ng mga bayarin sa mga paaralan.
Makalipas ang 40 taon, ano na nga ba ang pagkakaiba ng rehimeng Aquino sa batas militar ni Marcos?
Kung kay Marcos naisabatas ang Educ Act of 1982, kay Noynoy naman ipinatupad ang sunud-sunod at walang prenong pagtaas ng mga bayarin sa mga State Universities and Colleges mismo. Bukod pa dito ay ang mga SUC ng Region 1 ang may pinakamalaking kaltas sa budget ngayong taonna 6.79% o aabot sa P88,929 na bawas.
Dagdag pa rito ay ang pagsisimula ng K-12 Program na tukoy naman nang hindi tutugon sa tunay na pangangailangan ng mga paaralan. Sa IlocosSur mismo ay may kakulangan na ng 131 na guro para sa pampublikong elementarya at 54 naman sa hayskul. Hindi pa rin natutugunan na kakulangan sa mga upuan na aabot ng 26,567sa elementarya at 6,332 sa hayskul.
Tulad ng pambabasura ni Marcos sa sektor ng edukasyon, ganoon na lamang din ang ipinapakita ni Noynoy sa kasalukuyang panahon. Patuloy rin ang paggamit ng dahas at lakas ng militar sa mga paaralan at komunidad. Mandatory na muli ang pagsali sa ROTC sa ilang mga pamantasan samantalang hindi pa rin nabibigyang solusyon ang isyu ng korapsyon at pagiging mersenaryo nito. Sa ISPSC, ang mga guro pa nga mismo ang nagpipilit sa mga estudyante na sa ROTC pumasok kahit labag ito sa kanilang kagustuhan at batas.
Tahasan rin ang recruitment ng CAFGU at AFP sa mga kabataan sa komunidad para diumano maging katulungan nila sa pagtataguyod ng kapayapaan sa lugar sa ilalim ng Oplan Bayanihan. Subalit, batay na rin sa marahas na pagkamatay ni Nicolas Ramos at Elmer Valdez sa kamay ng mga militar noong 2010, hindi kapayapaan kundi karahasan ang ipinapalaganap ng AFP sa mga komunidad.
Sa ating paggunita ng deklarasyon ng Martial Law, kailangang muli nating sariwain ang diwa ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos para malabanan ang pasismong dulot ng rehimeng Aquino sa ngayon.
Labanan ang Pagtataas ng Matrikula! Labanan ang Komersalisasyon ngEdukasyon!Ibasura ang Education Act of 1982! Ibasura ang K-12! Oplan Bayanihan Biguin! Karapatang Pantao, Ipaglaban! Manindigan at Kumilos para sa Tunay na Pagbabago!
ANAKBAYAN - NUSP - CEGP - KABATAAN PARTYLIST ILOCOS REGION
Comments
Post a Comment