K to 12 Program ng Gobyerno ng Pilipinas
MGA TANONG AT SAGOT HINGGIL SA Kto12 PROGRAM NG GOBYERNO NG PILIPINAS Posted on May 28, 2012 by David Michael San Juan MGA TANONG AT SAGOT HINGGIL SA Kto12 PROGRAM NG GOBYERNO NG PILIPINAS (Paunawa: Simpleng lenggwahe ang ginamit sa artikulong ito upang madaling maintindihan ng mayorya.) For the full English version please visit http://www.scribd.com/david_juan_1/d/70033985-San-Juan-David-Michael-Full-Paper-Kto12 TANONG: ANO ANG KTO12 PROGRAM? SAGOT: Ang Kto12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon sa dating 10-year Basic Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa elementarya at apat na taon sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga estudyante. Sa ilalim ng Kto12, bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang 2 taon pagkatapos ng apat na taong hayskul. Sa bagong sistema, tinatawag na senior high school o junior
Comments
Post a Comment