3rd petition against K to 12 program filed in Supreme Court

by Troy Colmenares


Rene Luis Tadle and Troy Colmenares
Above captured from YouTube video

If you are my friend, spare me this moment and read what i have prepared for you. If you are not my friend, unfriend and block me now.

Throwback Thursday pala ngayon. Pwede ba nating balikan kung saan tayo nagsimula? Kung bakit nga ba tayo napunta sa Korte Suprema?

At the time we filed the petition, many people were happy to see me on TV and read my name in the national paper. Sabi nung nakararami: "Congratulations, you did your part!", sabay handshake. Pero sa simula pa lang ay marami (sobrang dami!) nang nagsabi sa akin, quote: "There's nothing you can do!", end quote. Patapos magsalita.

Sinubukan kong lapitan ang lahat ng aking kakilala, kaibigan at pamilya. Marami sa kanila ang tumalikod dahil hindi nila nauunawaan ang dahilan kung bakit ayaw ko sa K12; yung iba gusto nila dahil nakabubuti raw ito. Yung dalangin ko umabot pa hanggang Baguio, at doon ko pa lang natagpuan ang isang tunay na tao'ng may malasakit sa bayan! Hindi niyo ba alam kung gaano kalungkot ako noong mga panahong iyon?

Sa mga panahong iyon, hindi ko na alam kung sino ang aking tunay na mga kaibigan, maliban na lamang sa mga taong todo-suporta pa rin hanggang ngayon, at mabibilang ko sila sa aking mga daliri. Sa dami ba namang taong natulongan ko dati, hindi ko inakala na wala ni isa sa kanila ang nagsabing "I have your back". Hindi ako naniningil ng utang na loob. Alam niyo noong mga panahong tumulong ako sa inyo, buong puso kong ibinigay ang higit sa aking makakaya. Nalulungkot lang ako na wala kayo sa panahong kailangan ko kayo. But I learned to accept that already.

We did our best to start the expose on how our Congress can be easily usurped by unelected officials. Boto po ninyo ang nakataya diyan at ang ipinaglalaban namin.

Karamihan sa inyo nakikita ko may mga hashtag na never again. Alam ba talaga ninyo ang sinasabi ninyo? Kasi sa palagay ko kung alam ninyo, mauunawaan ninyo kung bakit galit ako sa implementasyon ng k12.

Hindi niyo ba alam na tagilid ngayon ang ating demokrasya? Habang kayo ay nagbubulag-bulagan at nagpapakatanga sa tunay na nangyayari sa ating bansa, hindi ninyo namamalayan na lumalakas ang Executive branch natin, gaya noong kapanahunan ng Martial Law. Hindi po 'yan ang ipinaglaban ng mga nasawi sa panahon ng Martial Law. Ipinaglaban nila ang kalayaan natin ngayon, na siyang nagbigay sa atin ng napakagandang Saligang Batas, kung saan natin matatatagpuan ang dahilan kung bakit ang bansa natin ngayon ay isang demokrasya. 'Yan po ang batas na bumaba ng kapangyarihan ng Executive Branch, at ibinahagi sa Kongreso at Korte Suprema ang mga kapangyarihang inabuso ng ating diktador sa panahon ng Martial Law.

Subalit, ang Saligang Batas ngayon ay nasasaktan, inaalipusta, at inaapakan. Wala pong may mas nakakataas pa sa Saligang Batas. Not the President, not Congress, not the Supreme Court. Pero ano po ang nagyayari ngayon?

Pumunta kami sa Korte Suprema upang humingi ng tulong na mailigtas ang ating Salaging Batas sa kapahamakang naidulot at patuloy na idinudulot sa pag-implementa ng k12. Bakit nga ba?

1) DepEd Order 31 s. 2012 is being implemented on 4th year highschool students now. Kabilang po doon ang aking nakababatang kapatid. Noon ipinasa po ang Order na ito nang DepEd, wala pa pong batas ukol sa k12. 2nd year na po noong naipasa ang k12 law (RA 10533) at 2nd year highschool na po ang aking nakababatang kapatid noong panahon na 'yon. Ibig sabihin, siya at mga kaklase niya (mahigit 1 milyon sa buong bansa) ay pumasok sa 4 year highschool program, at hindi sa k12 program. Sana, papasok na sila ngayon sa kolehiyo sa Hunyo o Agusto. Pero ang Order na ito ang pumipigil sa kanila.

Alam naming mga law student, mga abogado, at mga taong may alam tungkol sa batas na ang isang department order ay walang bisa kung ito po ay walang basehang batas. Higit sa lahat, alam namin na kung wala po itong publication ay hindi po ito maiimplementa. Ganito po ang nangyari sa DepEd Order No. 31 s. 2012.

Pero dahil patuloy po'ng iniimplementa ang DepEd Order na ito, at dahil hindi po pinakinggan ang hiling namin na suspendehin ang programa, tayo po ay dapat na malungkot at magalit dahil hindi po ito naayon sa Saligang Batas na siyang nagsasabing hindi makakagawa ng isang batas ang executive branch kung wala po itong pahintulot mula sa Kongreso. Sakaling mangyari po ito, ay kinikuha po ng executive ang kapangyarihan ng Kongreso, at 'yan po ay ipinagbabawal ng ating Saligang Batas.

Anong pake ko? Kaya po ng kapatid ko na mag-aral habang-buhay, sa mga mamahaling institusyon, dito man o sa labas ng bansa. Pero ako po ay naaawa sa mga taong hindi ganoon ka swerte katulad ng kapatid ko. Hindi po nagbabago ang mga hinaing ng mga taong kumakayod para lang mabigyan ng kinabukasan ang kanilang mga anak na siyang apektado ng order na ito.

Sakaling ma invalidate po ang DepEd Order No. 31, hindi po magagamit ang RA 10533 dahil wala po itong retroactive application sa kapatod ko at sa mga kasama niyang 4th year highschool.

2) Ang pinirmahan po ni PNoy at ang batas na ipinasa ng Kongreso ay magkaiba. Umabot na po sa third reading at Joint Conference ang proseso ng pag-pasa ng RA 10533, at alam naming mga law student, abogado at taong may alam sa batas, na pagkatapos ng 3rd reading ay di na po pwedeng magdagdag o magbawas.

Ibig sabihin po kung may Joint Conference ay hindi po nagkaisa ang Kongreso, na binubuo po ng Lower House (House of Representatives) at Upper House (Senate). Sila po ay magpupulong-pulong para maabot ang siyang tanging minimithi sa batas na kanilang ipapasa, ang kalalabasan po nito ay makikita po ninyo sa Joint Conference Committee Report na nasa Senate Journal. Lalabas po ang consolidated version, at magiging enrolled bill po ito. Ang enrolled bill po ay siyang pipirmahan ng Pangulo ng Pilipinas upang maging isang batas (pwede rin po'ng i-veto pag di po siya sumasangayon at pwede po mawalang bisa ang veto pag inoverride ng Kongreso).

Nagkataon po na magkaiba ang consolidated version na nakalagay sa Senate Journal at ang enrolled bill. Hindi po ordinaryong dokumento ang Senate Journal. Pwede po itong tignan ng Korte Suprema kung may inconsistent at substantial discrepancies sa enrolled bill - nangyari na po ito noong 1974, sa Astorga vs. Villegas. At mangigibaw po ang Senate Journal.

Subalit ang nagyayari po ngayon ay nangingibabaw po ang enrolled bill na siyang naging RA 10533 (K12 Law). Ibig sabihin, pwede po palang dagdagan at bawasan kahit naipasa na sa 3rd reading at naconsolidate nang Joint Conference Committee. 'Yan po ay di naaayon sa Saligang Batas

3) Compulsory Kindergarten has no constitutional basis. Nakasulat po sa Saligang Batas na compulsory po ang Elementary Education. Ibig sabihin, lahat ay dapat makapasok sa Elementary. Dahil naging compulsory ang Kinder, hindi po makakapasok ang bata, kasama po diyan ang aking pamangkin, sa Elementary kung hindi makapasok sa Kinder. Ito po ay klarong paglabag sa Saligang Batas. Wala pong kapangyarihan ang Kongreso na dagdagan kung ano man ang nakasulat sa Saligang Batas. Ito po ay paglalapastangan sa Saligang Bata

xxx

Ito po ang mga tunay na dahilan kung bakit kami humihingi ng tulong sa Korte Suprema. Lantaran po ang pangagahasa sa ating Saligang Batas. Ang Korte Suprema po ang siyang huling hakbang upang maibalik ang balanse ng kapangyarihan ng demokrasya. Asahan po natin na gagawin po nila ang nararapat nilang gawin.

Sakaling ibasura po nila ang aming petisyon, hinihiling ko po sa inyo na tayo po ay mag people power at tayo po mismo ang mag restore ng demokrasya. Tayo po ang huling pag-asa ng Saligang Batas. 'Wag tayong matakot dahil sa atin po nanggaling kung ano man ang kapangyarihan na nasa gobyerno ngayon.

Hinihiling ko po ang inyong mga panalangin na gabayan po ng Amang Makapangyarihan ang ating mga Supreme Court Justices. Isama na rin po natin sa panalangin si Bro. Armin Luistro na siyang may pakana po nitong K12 na ito.

Hindo po ako galit sa mga kaibigan kong tumalikod sa akin. Tatanggapin ko po ang inyong mga panalangin, dahil ito po ang kailangan natin ngayon.

THANK YOU AND GOD BLESS THE PHILIPPINES!

Comments